Exalt: “Still”
Empower: Mat. 11:28-30; Heb. 4:1-11;2 Cor.6:14; John 3:16,36
Gives Rest to the Weary
Kapahingahan…kapayapaan…kapanatagan…katahimikan - ito ang hinahanap-hanap ng tao anuman ang kanyang estado sa buhay, mahirap man o mayaman (for all who live apart from God). Lahat ay sinusubok niyang gawin makamtan lamang ito; ang bawat ginagawa niya ay naglalayong marating ang kapahingahang minimithi niya sa buhay. Gayunpaman, bakit hindi niya ito nasusumpungan? Dahil hindi niya alam na ang tunay na kapahingaan o kapayapaan ay hinding-hindi maibibigay ng mundo
anuman ang gawin niya; hindi niya alam na maliban na ang Diyos ay sumasakanya, hindi niya ito masusumpungan. Kaya, ang unang hakbang na dapat niyang gawin – magkaroon ng kaugnayan sa Diyos (through Jesus Christ) at makilala ng lubusan kung sino Siya. Pag-isipan natin ito - kadalasan, ang tao ay nakakaramdam ng kapaguran (that may lead to worries, anxieties and stress) hindi dahil sa dami ng kanyang ginagawa o situasyon sa buhay, kundi dahil sa kanyang mga pinaniniwalaan (beliefs and perceptions).
Jesus’ invitation “Come to me…” extends to “all who labor and are heavy laden…” and the promise – “I will give you REST.”(Matthew 11:28)
Ikaw ba ay nahihirapan at nabibigatan sa iyong pasanin? Pagod ka na ba (physically, mentally or emotionally) sa nangyayari o situasyon ng iyong buhay? Buksan mo ang puso mo sa mensahe ng Diyos sa iyo mula sa Kanyang Salita. “Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin…” Ang pamatok ni Hesus ay magaan; ilagak natin sa Kanya ang lahat ng ating mga takot at alalahanin; magtiwala tayo sa Kanya. [Remember the analogy of the two oxen carrying the yoke together; Jesus (as the old and trained ox) carries the heavy burden (weight) to lighten ours (as the young and untrained ox.] “… sapagkat ako'y maamo at ma mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan.” Only through Jesus can we have true rest.The Promised Land (Canaan) was supposed to be a place of rest for the people of Israel who were saved by God from slavery in Egypt. Subalit, bukod sa hindi nakapasok ang lahat ng edad 20 pataas sa lupaing ipinangako ng Diyos, hindi rin naging lubos na kapahingahan sa mga nakapasok (age 19 and below) ang lupain dahil sa kawalan nila ng pagtitiwala sa Diyos (that caused disobedience). Bagamat nagpahinga na ang Diyos (rested on the 7th day) dahil natapos na Niya ang lahat ng Kanyang gagawin mula nang likhain ang mundo, muling nagtakda ang Diyos ng isang pang araw (“ngayon”) at nagaanyaya ng mga papasok sa Kanyang kapahingahan.
“Ngayon, kapag narinig ninyo ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.” (Hebreo 11:7b ASND)
Kaya’t ang lugar na ito ng kapahingahan (God’s Rest) ay nakalaan pa rin sa mga taong makikinig, susunod at magtitiwala sa Kanya. At kung paanong nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw matapos Niyang likhain ang lahat ng bagay, lahat ng papasok sa Kanyang kapahingahan (kay Cristo) ay titigil rin sa paggawa (magpapahinga), meaning, wala na tayong kailangang pagsikapan pang gawin dahil ginawa na Niya ang lahat upang tayo’y makapasok sa lupain at magkaroon ng kapahingahan. Kung mayroon man na hindi pa lubos na nararanasan ang kapahingahan ng Diyos, maaaring “tulad nila'y napakinggan din natin ang Magandang Balita, ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig dahil hindi nila ito tinanggap nang may pananampalataya.(Heb.4:2 ASND) God gives REST to the weary and it is through our Lord Jesus Christ. Jesus is our Sabbath. He is our Rest.
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Honestly, nakakaramdam ka ba ng kapaguran (physically, mentally, emotionally)? Ibahagi.
2 . Ano ang epekto ng mensaheng ito, that God gives rest to the weary, sa kaugnayan mo sa Diyos.